Filipino: Wika ng Saliksik

 Cebuano, Hiligayno, Ilokano, Kapampangan, Kinaray-a, at Waray Waray, hindi maipagkakaila na ang Pilipinas ay bansang napakaraming lengwahe. hindi mo akalaing sa napakaliit na bansa ay may mahigit 170 na lengwahe, ngunit dimo akalaing may isang lengwaheng kumokonekta ng lahat ng Pilipino, ang Wikang Filipino. 

Isang buwan kada taon ay isinasagawa ang "Buwan ng Wika", kadalasan ito ay nagaganap sa buwan ng Agosto. Ngayong taon ang tema ay, "Filipino, Wika ng Saliksik!" at sa aking palagay ang temang ito ay dapat bigyan ng pansin.

Sa panahon ngayon ang batayan ng talino ay ang pagkabihasa sa pagsasalita ng wikang ingles, sa panahon ngayon kapag tagalog lang ang alam mo natatawag kang walang alam. Ganito ang estado ng ating buhay ngayon na tila'y minamaliit nila ang wikang sariling atin, tila kinakakahiya nila ito,ngunit hindi nila naisasaisip ang kahalagahan nito sa ating kultura, at ating sarili. 

Simula pa nung una ay hindi na natin maipagkakaila na ang pilipinas ay mayaman sa kultura. Dahil dito may nadadayo tayo ng mga turista. 

Sa mundong ating ginagalawan ngayon  ay lahat ng bagay na kailangang malaman ay nakakamit sa isang pindot lamang, dahil dito mapupunta sa isip na ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa tradisyon at kultura ay mapapadaling pag-aralan at ipagpaalam sa lahat.Ngunit imbes na mapalago ang kulturang itoy unti unti nang naglalaho dahil sa unti unting pagkasakop sa atin ng teknolohiya, teknolohiya na unti unting inuubos ang oras natin, at hindi na natin namamalayan na nawawala na ang ating kultura. 

Ngunit mayroong paraan upang gamitin natin itong teknolohiyang ito upang sa ikabubuti natin.ating pagsaliksikan ang mga ibat ibang kultura ng pilipinas at atin itong ipakita sa mga tulad nating tila nawawalan na ng kaalaman sa kultura. Atin itong ipagsigawan at isagawa hindi lang upang mabawi muli ang nawawalang mga kultura noon ngunit upang madagdagan pa ito ng bagong kaalaman at kultura na maibibigay nating mga kabataan.

Ang aking lamang minumungkahi ay mamulat sa katotohanan at isakatuparan ang tema ng buwan ng wika ngayong taon na ito, mas palawakin natin ang paggamit ng wikang ito. Gamitin natin ito hindi lang upang malaman ng ibang tao na tayo ay Pilipino kundi para mahasa narin tayo sa paggamit ng wikang sariling atin.Gamitin natin ito upang maipakita na napagbuklod-buklod man tayo sa tatlong isla hindi nila mapapawi sa atin ang ating natyonalismo. Subukan pa nating makihalubilo sa kapwa Pilipino, makipagtalastasan sa mga interesadong topiko. At hindi na natin mamamalayan na nasimulan na natin ang pagbabago.



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

ALL HAIL ISNHS!

A Father or A Dictator?